Sunday, September 10, 2017

"Oo". Dalawang Letra, Isang Salita

Napaka-ikling salita na gusto nating marinig,
Sa ating pinapangarap na babaeng iniibig,
Araw ay kumpleto na kapag narinig ang kay ganda mong tinig,
Ako'y sabik na sabik na sa iyo ito'y marinig.

Lahat ay nagbago nung ika'y nakilala,
Para bang lahat ng hapdi ay biglang nawala,
Bawat araw na ika'y kasama,
Na para bang walang hanggang ligaya.

Sa dami ng babaeng nakapaligid sa akin,
Ikaw lang ang gusto at nais makapiling,
Salamat sa matamis mong "Oo" aking sinta,
Nang dahil sayo buhay ko'y nagiba.

No comments:

Post a Comment